MARINDUQUE INUGA NG 3.2 MAGNITUDE QUAKE

MARINDUQUE – Inuga ng 3.2 magnitude quake ang bayan ng Boac sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga Enero 4, 2023, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig dakong alas-10:02 ng umaga sa kanluran ng Boac.

Ayon sa Phivolcs, ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 001 kilometro at tectonic ang origin ng lindol.

Nabatid pa sa Phivolcs, naramdaman ang intensity 2 na pagyanig sa Boac, Marinduque, habang intensity 1 na lindol naman ang naramdaman sa Calapan City, Oriental Mindoro

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa nangyaring lindol. (PAOLO SANTOS)

28

Related posts

Leave a Comment