MARITIME DOMAIN AWARENESS FLIGHT ISINAGAWA SA WEST PH SEA

NAGSAGAWA ng Maritime Domain Awareness (MDA) flight sa Pag-asa Island, Ayungin Shoal at Sabina Shoal ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan namataan ang foreign flagged vessels kabilang ang Chinese Maritime Militia (CMM), People’s Liberation Army (PLA) Navy, at Chinese Coast Guard (CCG) vessels.

Binanggit ng PCG na nabawasan ang bilang ng hinihinalang CMM vessels sa Pag-asa Island na mula sa 42 noong nakaraang linggo ay naging 15 na lamang nitong Marso 9.

Ayon sa PCG, ang PLA Navy Jiangdao Class warship at CCG vessel 5203 ay patuloy na nakatigil sa Pag-asa’s twelve (12)-nautical mile territorial sea.

Nanatili naman ang presensya ng CCG vessel 5304 sa Ayungin Shoal sa layong 6 nautical miles mula sa Philippine Navy (PN) vessel, BRP Sierra Madre.

Sa Sabina Shoal, na-monitor naman ng PCG na nabawasan ang bilang ng CMM vessels na mula sa 26 sa nakalipas na dalawang linggo, ay nasa 17 na lamang nitong Marso 9.

Sa nasabing MDA flight ng PCG, nakatanggap ito ng kabuuang 7 radio challenge mula sa CCG vessels, 4 sa Pag-asa Island territorial sea, at 3 sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

Ang kumpletong report sa MDA flight ay i-eendorso  sa National Task Force on West Philippine Sea para sa review at analysis.

“PCG coordination with the Western Command (WESCOM) of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Area Task Force – West (ATF-WEST) is ongoing,” ayon sa PCG

Nakiisa ang PCG sa AFP-WESCOM sa kasalukuyang pagsisikap ng civilian at uniformed services sa pagtaguyod ng pagsunod sa international rules-based order at palalakasin ang itinatag na bilateral at multilateral mechanisms upang maiwasan ang hidwaan at mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa West Philippines Sea at South China Sea. (RENE CRISOSTOMO)

208

Related posts

Leave a Comment