Mayor Joy Belmonte bumisita sa AEB Amsterdam company WASTE-TO-ENERGY SA QC POSIBLE

ISANG produktibong study tour ang ginawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Waste-to-Energy (WTE) plant ng kumpanyang AEB sa Amsterdam, The Netherlands kamakailan.

Binisita ni Mayor Belmonte at ng iba pang mga alkalde ng Metro Manila ang Waste-To-Energy (WTE) plant sa nasabing bansa.

Dito sila’y ipinasyal ng tagapangasiwa ng kumpanya, at ibinahagi sa kanila ang iba’t ibang mga proseso at makinarya na ginagamit sa kanilang planta.

“Tiyak na maraming mga impormasyon mula sa WTE ng AEB Amsterdam ang maaaring implementahin sa ating lungsod dahil batid ng ating lokal na pamahalaan ang pagdami ng mga basura sa ating lungsod nang dahil sa pagtaas ng populasyon at pagdami ng mga negosyo,” anang alkalde.

Si Mayor Belmonte ay isa sa mga mayor ng Metro Manila na nag-iisip kung paano nila mareresolba ang problema sa basura.

Kaya mas minabuti ni Mayor Belmonte ang study tour sa WTE plant sa AEB Amsterdam para pag-aaralan kung ano ginagawa ng nasabing planta sa kanilang basura upang maging enerhiya.

Napag-alaman na karamihan sa mga bansa sa Europe, ay isinasailalim ang kanilang basura sa Waste-to-Energy procedure.

Sa halip na itapon na lamang ang kanilang mga basura ay mas pinakikinabangan nila kapag isinailalim sa WTE upang maging liquefied Petroleum Gas (LGP) o kuryente. (JOEL O. AMONGO)

 

48

Related posts

Leave a Comment