Mayor wapakels sa face mask? ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA SUMIPA

covid

SUMIPA sa 47 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) matapos na 13 ang nagpositibo sa virus at isa lamang ang gumaling.

Ayon sa ulat ng CESU, hanggang 11:59 ng gabi ng Hulyo 4, sa nasabing 47 ay 34 ang naka-home quarantine, siyam ang nasa isolation facility at apat ang naka-admit sa ospital.

Pumalo na sa 44,241 ang cumulative confirmed COVID cases sa lungsod, at dito ay 43,257 na ang gumaling at 937 ang namatay.

Samantala, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, sa hindi malamang dahilan ay hindi nagsuot ng face mask si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian nang pangasiwaan niya ang indoor oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Valenzuela Cooperative Development Council (VCDC).

Ginanap ang nasabing seremonya nitong ika-4 ng Hulyo 2022 at naka-post sa Facebook page ng Valenzuela City ang mga larawan ng nasabing oath-taking kung saan malinaw na walang suot na face mask ang bagong alkalde. (ALAIN AJERO)

80

Related posts

Leave a Comment