MIYEMBRO NG PCG, 2 PA BINITBIT SA DROGA

BINITBIT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang kanilang kabaro makaraang makumpiskahan ng hinihinalang shabu, kasama ang dalawang sibilyan.

Kinilala ni PCG Admiral Artemio Abu ang natimbog na isang Seaman First Class na si alyas “Bernabe”, at ang dalawa nitong kasamahan.

Ayon sa ulat, noong Sabado, Enero 7, nang isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng P11,628  halaga ng umano’y shabu.

Inihayag ni Admiral Abu na kapag napatunayan sa ilegal na droga ang suspek ay agad itong tatanggalin sa serbisyo.

Bunsod nito, plano ng ng Coast Guard District Southwestern Mindanao na magsagawa ng random drug test sa mga tauhan ng Coast Guard upang matiyak na mapananatili nila ang pinakamataas na antas ng integridad, propesyonalismo, at kahusayan sa paghahatid ng serbisyo publiko. (RENE CRISOSTOMO)

22

Related posts

Leave a Comment