NAG-ALBUROTONG LALAKI TODAS SA BIYENAN

BATANGAS – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng biyenang lalaki nang magwala at atakehin ng biktima ang kapamilya sa Barangay Putingbuhangin, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Namatay bago mairating sa ospital ang biktimang si Joshua Babao Araño.

Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima at nagsimulang gumawa ng kaguluhan.

Napagdiskitahan umano nito at pinagsusuntok ang kanyang misis na si Charlene Rubia Araño at isa niyang bayaw. Tinangka naman itong awatin ng kanyang biyenan na si Joselito Rubia subalit maging ito ay sinuntok din ng manugang.

Nakakuha ng kutsilyo ang biyenan at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima na isinugod sa ospital ngunit nalagutan ng hininga sa daan pa lamang.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

97

Related posts

Leave a Comment