Nagnakaw ng shabu sa ninja cop 2 PULIS IKINULONG SA SENADO

KULONG sa Senado ang dalawang pulis na sinasabing nagnakaw ng nakumpiskang ilegal na droga mula sa ninja cop.

Ito ay makaraang i-cite for contempt nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Raffy Tulfo sina Sr. Master Sgt. Jerwin Rebosura at Master Sgt. Lorenzo Catarata.

Naubusan ng pasensya ang mga senador sa patuloy na pagtanggi ng dalawa na sila ang kumuha ng 42 kilos ng shabu na bahagi ng 996 kilos na nakumpiska sa pagsalakay sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Sta. Cruz, Manila na pag-aari ni Master Sgt. Rodolfo Mayo.

Ito ay kahit nanindigan ang binuong Special Investigation Task Group na nakita sa CCTV footage ang dalawa na nag-iwan ng shabu sa isang sasakyan sa harapan ng Camp Crame.

Sinabi ni Dela Rosa na mananatili ang dalawa sa Senado habang patuloy ang pag-iimbestiga sa kanila.

Inilarawan pa ni Dela Rosa ang dalawa na una sanang hero sa pagkakakumpiska ng droga mula kay Mayo subalit nauwi aniya sa zero dahil sa pagnanakaw ng droga. (DANG SAMSON-GARCIA)

220

Related posts

Leave a Comment