NAGSUNOG NG KABLE, 10 BAHAY NADAMAY

CAVITE – Mahigit 13 pamilya ang nawalan ng tirahan makaaang lamunin ng apoy dahil sa pagsusunog ng kable ng isang lalaki sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat ni Corporal Fidel Querijero III ng Bacoor City Police, dakong alas-10:45 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Block 9, Lot 11, Orchid St., Queens Row West, Bacoor City, Cavite dahil sa umano’y pagsusunog ng copper wires ng hindi kilalang lalaki.

Mabilis na gumapang ang apoy at nilamon ang tinataayang sampung kabahayan na pawang yari sa light materials.

Umabot sa 1st alarm ang sunog na idineklarang fire-out dakong alas-12:30 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasugatan sa sunog na umabot sa halagang mahigit P75,000 ang pinsala sa mga ari-arian. (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment