NAKUMPISKANG DROGA PINAIIMBENTARYO

NAIS ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na ipaimbentaryo ang mga drogang nakumpiska ng mga ito upang malaman kung nakupitan ito at ibinalik sa kalsada.

Ginawa ni Barbers ang kautusan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos lumabas sa pagdinig ng komite noong Martes na droga ang ibinabayad sa mga asset at informant sa nakaraan.

“As of now, we have no clear knowledge or understanding on the disposition of previously seized drugs that are still under the custody of law enforcement agencies such as the PDEA, the Philippine National Police and the National Bureau of Investigation,” ani Barbers.

Dahil dito, interesado aniya ang mga miyembro ng komite na malaman kung nasaan na ang 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion sa intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group na si Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. noong Oktubre 2022.

Nais din aniyang malaman ng Kongreso ang kalagayan ng 1,855 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11 billion na nakumpiska sa Infanta, Quezon noong 2020; ang P11.953 billion halaga na nahuli ng Bureau of Customs sa iba’t ibang operation noong 2022; ang 365 kilo ng shabu umaabot sa P730 million halaga na nakumpiska sa anim na Chinese nationals sa Tayabas Bay, Quezon, noong 2000.

“Marami tayong nababasa at naririnig na balita na mga malalaking drug bust ng ating mga anti-drug agencies pero bihira, kung meron man, na may nababalitaan tayo na sinira or sinunog nila ang mga nahuling droga matapos ang kanilang operasyon,” ani Barbers.

Sa ilalim aniya ng Republic Act (RA) 9165 o Dangerous Drug Act of 2002, kailangan siraan ang mga nakukumpiskang droga sa loob ng 24 hanggang 36 oras.

“Pero hindi ito nangyayari at maraming dahilan ang mga anti-drug agents to keep them under their custody. At kung nasa custody nila ang mga ito, malaki ang tendency na ma-pilfer, mawala at ma-recycle ang mga droga na ito,” dagdag pa ng mambabatas.

Noong 2019, inamin ni dating PDEA chief Aaron Aquino sa isang pagdinig sa Senado ang malalang recycling sa mga nakumpiskang droga dahil kalahati lamang ang isinusuko ng mga operatiba “while the rest would either be saved for future operations (possibly for planting) or be sold.” (BERNARD TAGUINOD)

23

Related posts

Leave a Comment