P170K SHABU NASABAT SA TULAK SA CAVITE

CAVITE – Pasok sa kulungan ang isang hinihinalang tulak matapos makumpiskahan ng tinatayang P170,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Waray”, 30, tubong Marawi City at residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City, nasa listahan ng high value individuals (HVIs).

Ayon sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000.

(SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment