TINATAYANG umabot P72 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU – Benguet, PDEA – Baguio-Benguet, PDEA – CAR, RSET, at 2nd PMFC-Benguet PPO, sa inilatag na buy-bust operation laban sa sinasabing bigtime na tulak ng marijuana sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.
Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkasamsam sa 600 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, nakabalot sa black plastic sheets at sa medyas, na umabot sa P72 milyon ang halaga, mula kay alyas “Felimon”.
Nahaharap si alyas “Felimon” at mga kasama nito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(RENE CRISOSTOMO)
158