PAGBIBITIW NG 3 PNP HENERAL AT 7 KORONEL INAABANGAN SA PAGTATAPOS NG DEADLINE

pnp

NGAYONG Martes, Enero 31 ang ultimatum na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsusumite ng courtesy resignation sa hanay ng heneral at koronel bilang unang hakbang sa napipintong paglilinis ng Philippine National Police (PNP).

Sa kabuuan, tatlong heneral at pitong full colonels ang hindi pa nagbitiw sa kani-kanilang pwesto kahapon, ayon mismo kay PNP chief Rodolfo Azurin.

Gayunpaman, nilinaw ni Azurin na magsumite man o hindi ang nalalabing 10 opisyal, obligadong isama ang kanilang pangalan sa talaan para sa pag-arangkada ng imbestigasyong pangangasiwaan ng komiteng kinabibilangan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isang retiradong heneral.

Paglilinaw ni Azurin, maging yaong mga inabutan ng pagreretiro at maging ang mga malapit ng magretiro, pasok din sa imbestigasyong naglalayong sipain sa PNP ang mga unipormadong may bahid o makikitaan ng ebidensyang sangkot sa kalakalan ng droga sa bansa.

Una nang lumutang ang di umano’y agam-agam ng mga heneral at full colonels na nalalapit nang magretiro sa panawagang courtesy resignation na isinusulong in Interior Sec. Benhur Abalos. (JESSE KABEL RUIZ)

180

Related posts

Leave a Comment