PANGAMBA NG POGO EMPLOYEES, OPERATORS, TINULDUKAN NG PNP

TINULDUKAN na ng Philippine National Police (PNP) ang agam-agam ng mga operator at manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hinggil sa problema sa mga insidente sa  kidnapping, pang-aabuso at nawawalang mga trabahador.

Ito ang nakapaloob sa naganap na Signing of Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PNP, POGO companies at Local Government Units ng Bacoor City, Kawit at Carmona sa lalawigan ng Cavite na ginanap sa Camp Pantaleon Garcia, Brgy. Poblacion A, Imus City, Cavite.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang ang pagbibigay ng assistance sa pagkuha ng mga ito ng permits at clearances; pagsasagawa ng imbestigasyon at police intervention sa mga kaso ng paglabag sa batas; pagbuo ng isang Special Investigation Task Group (SITG) para sa mga nasangkot sa ilang insidente; pagresponde ng mga pulis kung masasangkot ang mga ito sa isang insidente, at police visibility sa mga lugar; pagbibigay ng kampanya at impormasyon na may kinalaman sa kidnapping, abduction, illegal detention at iba pang krimen na kinasasangkutan ng POGO operators at empleyado nito na lalabag, at pagtulong para sa pagsasampa ng deportasyon laban sa POGO operators at mga empleyado.

Hinihikayat din nila ang ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek na responsable sa anomang paglabag sa batas.

Nakasaad din sa kasunduan na sisiguraduhin ng POGO establishment na susunod sila sa mandatory requirements kabilang ang permits at clearances ng kanilang mga empleyado.

Sa panig naman ng Department of Labor and Employment  (DOLE)-Cavite, imo-monitor nila ang POGO upang matiyak na maipatutupad ang kanilang working conditions, pagbibigay ng tamang sweldo, oras ng trabaho, pagbibigay ng holiday pay at iba pang benepisyo at magsasagawa rin sila ng annual inspection sa mga kumpanya

Nagbigay naman ng katiyakan si Police Coronel Edwin Quilates , DRDO, na hindi na mauulit at hindi na madaragdagan pa ang mga kaso ng kidnapping, mga nasasaktan at nawawala, sa panig  ng mga empleyado ng POGO at may immediate action na ipapataw sa panig ng POGO companies kung hindi sila sumunod sa pinirmahang MOU.

Sinabi naman ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director, umabot sa mahigit 8,000 ang POGO employees mula sa POGO companies sa Bacoor City, Kawit at Carmona, pawang sa lalawigan ng Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

39

Related posts

Leave a Comment