MAHALAGA ang isang epektibo at episyenteng public transport system para tugunan ang traffic congestion sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para mapagaan ang pagdurusa ng mga mananakay kabilang na rito ang ayusin ang Pasig River Ferry stations.
Ang mga maaapektuhang informal settlers dahil sa plano na ito ng gobyerno, ayon sa Pangulo ay kagyat na ire-relocate.
“There is a plan already. Nakapag-identify na kami sa Pasig River. Nakapag-identify na kami ‘yung tinatawag na transition areas where magtatayo tayo ng temporary lodging para ‘yung settler, sila ngayon ilalagay muna doon habang tinatayo ‘yung kanilang housing . In the end, the plan is for them to have all the housing,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.
Tinuran ng Pangulo na hindi maiiwasan ang matinding trapiko.
Sa katunayan, kailangan niyang sumakay ng chopper kung may traffic congestion para ma-maximize ang kanyang oras.
Tinuran pa ng Pangulo na hangga’t maaari ay ayaw niyang maging dahilan ng matinding daloy ng trapiko.
“Nakakahiya nga kung minsan eh because when I go, everybody has to stop, everybody has to, so I try as little as possible to cause traffic and then of course, yes, I am trying to maximize my time,” ayon sa Pangulo.
Samantala, sa isinagawang inagurasyon ng showcase area ng Pasig River Urban Development Project sa Maynila, kamakailan, sinabi ng Pangulo na ang gobyerno ay magpapalabas ng bago at sariwang ideya para tiyakin ang tagumpay ng nasabing proyekto.
“The “Pasig Bigyang Buhay Muli” urban development project aims to transform the Pasig River into a center of economic activity, tourism and promote transportation connectivity in Metro Manila and adjacent provinces,” ayon sa ulat.
(CHRISTIAN DALE)
213