PBBM MAY NAKIKITANG BENEPISYO SA WARGAMES KASAMA AUSTRALIA

NARARAPAT lang na ituloy ng Pilipinas ang joint military drills sa Australia dahil maraming benepisyo ang pagsasanay na ito.

Sa isang taped interview habang nasa Melbourne, Australia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang war games sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay makatutulong para mapahusay ang ‘defense at security capabilities’ ng bansa at maging ang disaster preparedness.

“This will benefit the Philippines because we are conducting these exercises so that we are able to work together with our foreign partners. And when I say work together, it is not only for defense and security, it is also for disaster preparedness, disaster assistance that they might bring should there be a disaster,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Kapansin-pansin naman kasi na ang Pilipinas ay hinahambalos taun-taon ng malalakas na bagyo.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang Australia ay depende sa sitwasyon sa ‘ground’ at sa mutual agreement sa pagitan ng dalawang partido.

Ang pagtatakda aniya ay delikado at dapat na ibabatay sa “whether or not the threat levels and the tension levels are increasing or decreasing” sa West Philippine Sea (WPS).

Nauna rito, pinag-usapan naman nina Pangulong Marcos at Australian leaders ang posibilidad na amyendahan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Kapwa ay nagpahayag ng pagiging bukas na amyendahan o i- upgrade ang kasunduan depende sa pangangailangan.

Matatandaang, noong nakaraang taon, nagsagawa ang Pilipinas at Australia ng Exercise Alon at Maritime Cooperative Activity.

Nangako naman ang Australia na magsasagawa ng joint military exercises kasama ang Pilipinas, kahit isang beses kada dalawang taon.

Ang Australia ang itinuturing ng Pilipinas bilang “second largest partner” sa tanggulan at seguridad at isa sa dalawang bilateral partners na may ‘status’ ng VFA, maliban sa Estados Unidos.

(CHRISTIAN DALE)

73

Related posts

Leave a Comment