PBBM: WALANG DAHILAN PARA SIBAKIN SI VP SARA

WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sipain sa kanyang gabinete si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa gitna ng bangayan nito at ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

“Why? I don’t see the reason behind that,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Occidental Mindoro.

”Any of the Cabinet secretaries will be replaced kapag hindi nila ginagawa ‘yung trabaho nila. All the other things are not part of the discussion,” dagdag na wika ng Pangulo.

“Kapag hindi talaga marunong o corrupt, tatanggalin ka talaga namin. Hindi naman ganoon si Inday,” ayon sa Pangulo.

Sa isang Youtube vlog, ibinulalas ni Unang Ginang Liza ang sama ng loob kay VP Sara dahil sa akusasyon ng ama nito na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Marcos.

“For me, nasaktan ako because my husband will do everything to protect you. You ran together ‘di ba—sama sama tayong babangon muli,” sabi ni Liza Marcos sa host ng programa na si Anthony Taberna.

“Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung Presidente mong ‘bangag,’ ‘di ba, you’re going to laugh? Tama ba ‘yan? Even Leni [Robredo] never did that,” dagdag ng Unang Ginang.

Sa kabilang dako, tanggap naman ni VP Duterte ang sama ng loob at galit sa kanya ni FL Liza ngunit nilinaw na walang kinalaman sa kanyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan ang ‘personal feelings’ ng Unang Ginang.

(CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment