TEAM DOK G, TULOY-TULOY SA PAGTULONG SA KOMUNIDAD

TARGET ni KA REX CAYANONG

MALASAKIT at pagmamahal sa kapwa ang patuloy na ipinamamalas ng #TeamDOKG ni Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad ng 3rd District, Quezon City.

Kamakailan, pinangunahan niya ang isinagawang Medical Mission ng Augustinians of the Assumption sa Varsity Hills, Brgy. Loyola Heights.

Sa pangunguna ng grupo, nagtungo sila sa nasabing lugar na bitbit ang libreng snacks at nagdala rin ng libreng gamot upang ipamahagi sa mga dumalo.

Sa pagkakaloob ng mga serbisyo at tulong medikal, hindi lamang ang pangangailangan sa pisikal na kalusugan ang tinugunan ng #TeamDOKG kundi pati na rin ang pangangailangan ng mga taong nangangailangan ng agarang tulong at atensyon.

Aba’y sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, ipinakikita ni Dok G ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga komunidad na nangangailangan.

Bukod sa medical mission, nagkasa rin ang #TeamDOKG sa isang seminar-workshop para sa Barangay Council for the Protection of Children.

Kasama ang Barangay and Community Relations Department (BCRD), World Vision (Project ACE), ECPAT Phil., SK Kagawad, at mga kinatawan ng mga bata mula sa BCPC, nagtungo sila sa isang seminar upang mas palawakin ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga isyu at pangangailangan ng mga kabataan.

Bilang karangalan, nakapagbahagi pa ang grupo ng kanilang kaalaman at karanasan sa lahat ng mga dumalo.

Hindi rin nagpahuli ang #TeamDOKG sa pamamahagi ng libreng gamot sa iba’t ibang barangay tulad ng Brgy. Old Balara, Camp Aguinaldo, Quirino 2-A, at Brgy. E. Rodriguez.

Kaya naman. sa pamamagitan ng kanilang programa na #GamotAyLibre, patuloy na natutugunan ni Dok G ang pangangailangan ng mamamayan sa kalusugan at nagbibigay ng solusyon sa problema ng kakulangan sa gamot.

Sa lahat ng ito, patuloy na nagpapamalas ang #TeamDOKG ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa kapwa.

At sa bawat hakbang na ginagawa ni Coun. Dok G, nagiging inspirasyon siya sa iba na maglingkod at magmahal sa kanilang komunidad.

Saludo tayo sa walang sawang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa ni Coun. Dok G!

56

Related posts

Leave a Comment