PERWISYO MAS LAMANG SA BENEPISYO SA SIM REGISTRATION LAW

MARAMI pa rin ang hindi kumbinsido na epektibo ang SIM Card Registration Law. Katunayan, kung pupulsuhan ang mga netizen ay mas marami ang nagsasabing lamang ang perwisyo kaysa benepisyo sa nasabing batas.

Kung ang Philippine National Police (PNP) naman ang tatanungin, nakatutulong sa kanila ang SIM Reg Law sa pagtukoy sa mga salarin.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kinikilala nito ang papel ng SIM (Subscriber Identity Module) Registration Act sa pagtatatag ng pagkakilanlan ng mga perpetrator o salarin.

“Malaking bagay po talaga when it comes to the identity, or establishing the identities of these perpetrators sa online. Through the SIM card identification, medyo nati-trace natin, nakakatulong sa pag-trace natin sa mga identities ng mga scammers,” aniya.

Ngunit hindi kumbinsido ang publiko. Sa X platform, isang netizen ang nagtanong kung anong benepisyo ng SIM Registration ang na-experience ng mga netizen.
Ganito ang ilan sa mga naging tugon sa nasabing tanong:

rocky:

Ako nung ninakaw ang phone ko, since registered ang simcard ko na. Nablock ko dati kong simcard and nagamit ko ulit number ko na new sim. Yung contact numbers ko nandun pa rin and kaya di din ako kinabahan sa gcash kasi yun din registered number ko dun 🙂

horangi:

to share exp: similar scenario pero hindi nareplace ang sim and number because wala na yung sim bed or sim package niya and i said registered naman sakin ang sim. ang sabi ng globe staff “sa government po yun wala kaming access dun sa simreg record” so yes wala siyang impact

guilles:

Now this explains kung bakit noong gusto kong i-retrieve ang number ko mula sa nanakaw na cp, ayaw nila tanggapin ang TIN ID ko kahit yun ang gamit kong ID for sim reg. Wala rin talagang silbi ang sim reg na yan sa totoo lang.

Azarcazm:

Wala. Problema pa. Dating walang scam text kasi pang-data lang, nakakatanggap na.
Kahapon lang 5:30am may dumating na OTP mula Telegram, tapos halos parehong oras, miss call mula France. Pero wala ako Telegram acct sa number na ito.

Jeff:

Wala. Mas marami pa ngang tumatawag na scammers. 3 na this week.

𝑀𝑒𝑛𝑔:

Dati, puro text lang. Ngayon may tawag na, with indian accent pa.

Catinthehouse:

Lalong lumala yung mga spam messages ko. Araw araw may scam and all. Haist lalonna TNT ko

P:

Nakakwentuhan ko grab driver ko last week. Merong holdup/barilan na naganap sa Rizal experienced by his co-grab driver. Na trace yung mga namaril at kumuha ng sasakyan dahil sa registered sim. I guess meron padin na good side.

Ronan:

Meron. May nagpa prank call sa Mom ko na 79 yrs old so sinabihan ko yung tumatawag na since registered na ang sim kaya ka namin ipahanap. Natakot, di na tumawag. Dati nung wala pang SIM reg pag sinabi mo yan sa prank caller tatawanan ka lang.

marky:

Ganun pa rin. Madami pa ring texter na scammers. Kunwari lang yang SIM registration. Dumukot lang sila ng budget, wala namang ginawa.

Clark:

Minimized na yung number of texts and calls that I get. Dati andami talaga ngayon 1/week na lang. At this point, sasabihin ko sana na ireport nyo na lang para mas lalo mabawasan, pero ang haggard ng proseso magreport.

Urodoc:

Actually the scam callers and texters have increased. They must have gotten hold of the list. How much was spent on that? USELESS

Joyce:

As a TNT sim user, maraming nakakaalala mag text saken, hindi para kamustahin kundi mang scam. One time may tumawag, nung sinagot ko Indian accent, hindi ko na kinausap drop call agad.

james.v:

Wala madami pa din scammers na nagtetext

Tina:

Everyday, around 6 messages…nakakainis na!

Pons:

Mas dumami yung scam messages lalo na yung links sa sugal.

Richie:

Walang benepisyo. Araw-araw na makakareceive lang ng SPAM messages. Di naman nakakakain.

Bangon:

if this legislation is implemented properly, together with the safeguards – this could have been a game changer for eradicating scams… but… unfortunately….

193

Related posts

Leave a Comment