Pinitik ng solon sa bentahan ng Divi Mall KAHIT PATAY GINAMIT NI ISKO

HINDI ikinatuwa ng isang kongresista ang pagsangkalan ni Manila Mayor Isko Moreno sa dalawang yumaong alkalde sa hangaring makaiwas sa bulilyasong kalakip ng pagbebenta ng Divisoria Mall na pag-aari ng pamahalaang lungsod.

Para kay Manila Rep. Manny Lopez, dapat direkta at buong katapatang sagutin ng alkaldeng kandidato ngayon sa posisyon ng Pangulo, ang bawat tanong ng mamamayang hangad lamang ay malinawan ang tunay na dahilan ng kanyang pasyang ibenta ang naturang asset ng city government.

“When candidates are asked direct questions about their actions in office, I suggest that Mayor Isko should answer the question directly and factually,” mensahe ni Lopez.

Una nang naglabasan ang mga balita hinggil sa pagbebenta umano ni Moreno ng Divisoria Mall sa Binondo sa halagang P1.4 bilyon – higit na mababa kumpara sa umiiral na market value ng mga lupa at istruktura sa tinaguriang sentro ng Maynila.

“Do not deflect the question by imputing malice on the acts of former Mayor Fred Lim or former Mayor Mel Lopez undoubtedly two of the most influential mayors in the recent history of the City of Manila for actions done 30 and 36 years ago that have no relation to the sale of the Divisoria public market which was consummated during the term of Mayor Domagoso,” dagdag pa ng kongresistang anak ng isa sa dalawang pangalang binanggit ni Moreno.

Ang malinaw lang aniya, hindi naibenta ang nasabing mall sa panahon ng kanyang ama at maging sa ilalim ng termino ni Lim na pareho ng namayapa. kapwa yumao kaya hindi dapat gamitin ang mga ito ni Domagoso para maiwasan ang isyu sa Divisoria mall.

“I will not allow anyone to besmirch the name of my dead father who served the people of Tondo and the City of Manila in various capacities faithfully and with complete honesty and dignity during difficult and often tumultuous times,” pahabol pa ni Lopez. (BERNARD TAGUINOD)

109

Related posts

Leave a Comment