POLICE DIRECTORS BINALAAN SA JUETENG

pulis

IKINAGALAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang ibinabang kautusan ni Philippine National Police chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. laban sa illegal number games partikular ang jueteng.

Kasunod ito ng babala ni Gen. Acorda na ‘One Strike Policy’ sa mga police director sa buong bansa na mabibigong ipatigil ang sugal na jueteng at iba pang ilegal na sugal sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, nagpapasalamat sila sa pamunuan ng PNP sa suporta nito sa kanilang kampanya kontra ilegal na sugal sa bansa.
Pahayag pa ni Robles, malaki ang epekto nito sa kita ng PCSO dahil napupunta lamang sa mga gambling lord, illegal gambling operators, mga bookies ang pera na dapat sana’y para sa kawanggawa at suporta sa mga Pilipino.

Umapela rin si Robles sa publiko na tangkilikin lamang ang kanilang mga palaro tulad ng Lotto, Scratch It, at Small Town Lottery na sumusuporta sa mga pagkakawang-gawa ng ahensya.

Tiniyak naman ni Acorda na ipatutupad ng pamahalaan ang umiiral na mga batas na sumasaklaw kontra sa mga illegal gambling operator na ayaw pa ring maglubay sa kanilang illegal activities. (JESSE KABEL RUIZ)

157

Related posts

Leave a Comment