PRC NAGBAKUNA SA BARMM KONTRA MEASLES OUTBREAK

SINIMULAN nang magbakuna ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ay kasunod ng idineklarang measles outbreak sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PRC, nasa 128 bata na ang nabakunahan partikular sa Jolo, Sulu, partikular laban sa sakit na measles o tigdas, ng binuong Measles Mitigation Corps.

Sa nasabing programa, nagtalaga ng apat na vaccinator at 16 support volunteers o mga lider na naghahanap ng mga bata na babakunahan, health promoters para magpaliwanag hinggil sa bakuna, at recorders para sa pagtatala ng mga nabakunahan.

Nanawagan ang PRC sa rehiyon na dapat bakunahan ang lahat ng mga bata sa BARMM, simula 6 buwang gulang hanggang 10 taon pababa.

Sa susunod na mga araw, magbabakuna rin ang PRC sa Lanao Del Sur, Cotabato, Maguindanao, Basilan, at Tawi Tawi.

Tatagal ng anim na linggo ang pagbabakuna sa BARMM.

(JOCELYN DOMENDEN)

107

Related posts

Leave a Comment