REMULLA SINOPLA SA RED-TAGGING

KINONTRA ng mga militanteng mambabatas sa Kamara si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsabing bahagi ng demokrasya ang red-tagging.

“Red-tagging will never be a part of democracy. It is attacking citizens pushing for legitimate demands of the people,” ani House Deputy Minority Leader at ACT party-list Rep. France Castro.

Sinabi ng mambabatas na bahagi ng mapanupil na sistema ang red-tagging kaya pag-atake ito sa demokrasya na ginarantiyahan ng Saligang Batas  para ihayag ng mga Pilipino ang kanilang saloobin sa gobyerno.

Aniya, ginamit na paraan ng nakaraang administrasyon ang red-tagging para patahimikin ang mga kritiko na naghahangad ng pagbabago sa gobyerno kahit walang ebidensya ang estado na miyembro ang mga ito ng komunistang grupo.

Dahil dito, marami aniyang namatay na biktima ng red-tagging sa nakaraang administrasyon kaya lalong nangangamba si Castro sa opinyon ni Remulla na bahagi ng demokrasya ang pangrered-tag.

“Saying that red-tagging is part of democracy by no less than the Justice secretary is a dangerous sign for the Filipino people who have been continuously attacked by state forces for opposing anti-people policies,” ayon pa kay Castro.

Ganito rin ang pangamba ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na nadismaya kay Remulla dahil imbes na pakinggan aniya nito ang panawagan ng taumbayan ay tila sinuportahan pa nito ang red-tagging.

“Filipino people have long denounced red-tagging, yet the government refuses to heed its citizens’ call for an end to the practice,” ayon pa kay Brosas. (BERNARD TAGUINOD)

19

Related posts

Leave a Comment