‘ROD-tag binuhay; Tao nina Rodrigo at Rodriguez nanganganib ‘PURGE’ SA MALAKANYANG?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

USAP-USAPAN ang ‘purging’ sa Malakanyang matapos umanong ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang performance review sa lahat ng presidential appointee.

Duda ng ilang Malacañang insider, target nito ang mga itinalaga nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at ex-Pres. Rodrigo Duterte.

Paglilinaw naman ng Palasyo, hindi lamang mga itinalaga ng nakaraang administrasyong Duterte ang target sa review kundi maging ang mga itinalaga mismo ni Marcos sa puwesto.

Kinumpirma ni Communications Sec. Cheloy Garafil ang memorandum at binigyang diin na sakop nito ang lahat ng presidential appointees hanggang noong Pebrero 1.

“This is a directive to all presidential appointees, including those appointed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., as part of performance review and to ensure continuing qualifications to remain in office,” ani Garafil.

Inatasan umano sila na magsumite ng kanilang updated personal data sheet at clearances mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, at Sandiganbayan.

Kabilang sa mga pinagsusumite ang Heads Departments, Agencies, Offices and Instrumentalities, Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Government Financial Institutions (GFis), at State Universities and Colleges (SUCs).

Ang memorandum ay ibinaba ng Presidential Management Staff nitong Pebrero 2 alinsunod sa direktiba ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Marami ang nagduda na target ng memo ang mga itinalaga ni Duterte sa gitna na rin ng bangayan nito at ng kampo ni Marcos.

Sa unang bahagi ng administrasyon ni Marcos ay isa-isa ring sinibak sa pwesto ang mga taong hinihinalang konektado kay Rodriguez matapos itong magbitiw.

60

Related posts

Leave a Comment