Sa ika-anim na beses CONVENIENCE STORE MULING HINOLDAP

CAVITE – Sa ika-anim na beses, muling pinasok ng mga holdaper ang isang convenience store at tinangay ang P5,000 kita nito, sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Ang hinoldap ay ang Alfamart branch na matatagpuan sa Brgy. Sta Isabel, Kawit, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng hapon nang pumasok ang isa sa mga suspek sa Alfamart branch sa Brgy. Sta. Isabel sa Kawit, Cavite at nagpanggap na customer habang ang kasama nito ay nagsilbing look-out.

Pagdating sa counter, nagkunwaring magbabayad subalit naglabas ng baril ang suspek, tinutukan ang shift leader na si Tyrone Mikko Palo at nagdeklara ng holdap saka tinangay ang P5,000 na kita ng tindahan.

Matapos nakuha ang pera, tumakas ang mga suspek at sumakay ng isang tricycle na sumibad palayo.

Ayon sa datos, ito na ang pang-anim na beses na hinoldap ang Alfamart convenience store sa loob lamang ng limang buwan.

(SIGFRED ADSUARA)

260

Related posts

Leave a Comment