BANGKAY NATAGPUAN SA DAMUHAN

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa pagkakakilanlan ng bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa isang madamong bahagi sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Wala namang ibinigay ang pulisya na paglalarawan sa deskripsyon ng biktima maliban sa ito ay lalaki at kasalukuyang pinoproseso ang crime scene upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito .

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ni Nick Ricalde y Villanueva ang bangkay ng lalaki sa madamong bahagi ng bukid sa Brgy. Maguyam, Sitio Malipa, Silang, Cavite habang nag-aani ng mga pananim sa lugar.

Agad nitong ipinagbigay-alam ang insidente sa pulisya na kasalukuyang nag-iimbestiga kung ano ang ikinamatay ng biktima at upang mabatid ang pagkakakilanlan nito.

(SIGFRED ADSUARA)

334

Related posts

Leave a Comment