Sa petisyong taas-singil sa kuryente P4P SA SMC: MAGING TRANSPARENT

PINAYUHAN ng Power for People Coalition ang San Miguel Corporation (SMC), nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking generation companies sa bansa, na maging transparent sa petisyon nito kamakailan na taasan ang singil sa kuryente sa lugar ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa paglalathala ng liham mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), pinabulaanan ng energy consumer advocacy group na pumanig ang  Regulatory Operations Service (ROS) ng ERC sa joint motion ng SMC at Meralco na itaas ang singil sa kuryente na itinakda ng 2019 power supply agreements (PSA) sa pagitan ng dalawang kumpanya.

“Since the ERC’s decision to deny the joint motion of SMC and Meralco, we have noted claims popping up in the media that the decision was made against the findings of the ROS. The ERC has confirmed the claims of SMC and Meralco on price impacts were unaligned with computations of its ROS in many ways,” pahayag ni Gerry Arances, P4P Convenor.

Ayon kay Arances, tila nagbago ang tono ng mensahe ng SMC, matapos ipahayag ng pangulo at CEO na si Ramon Ang na ang conglomerate ay may sapat na pera upang makuha ang anomang pagkalugi mula sa fixed price ng PSA.

“SMC said, without proof, that it lost P15 billion over the fixed-price PSAs which it is now trying to get rid of. After attempting and failing to pass on burdens to consumers, SMC is now saying that it will have P30 billion in windfall annually in the next two years as its amortizations for its Ilijan and Sual power plants are completed,” giit pa ni  Arances.

Sinabi pa ng consumer energy advocate na ang posisyon ng SMC bilang isa sa pinakamalaking GenCo sa bansa at bilang publicly-held corporation ay kinakailangan na maging tapat sa mga pahayag nito sa publiko.

“SMC stated its intention to join further PSA biddings. But right now, SMC seems unable or unwilling to uphold its commitments. Either way, SMC should not participate in such future biddings, at least until it comes out with the truth, the whole truth, and nothing but the truth,” dagdag pa ng P4P Convenor. (TJ DELOS REYES)

15

Related posts

Leave a Comment