Sa unang linggo ng Nobyembre 123 SUSPEK TIKLO SA LAGUNA PPO

kulong

UMABOT sa 123 suspek ang natimbog ng Laguna Provincial Police Office sa isinagawang mga operasyon laban sa ilegal na droga, ilegal na sugal, loose firearms at wanted persons sa lalawigan sa unang linggo ng Nobyembre.

Ayon kay Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, ng Laguna Provincial Police Office, ang nasabing bilang ng mga suspek ay nadakip ng Laguna PNP simula Nobyembre 1-6, 2022  sapamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng lalawigan.

Nagsagawa ang Laguna PNP ng anti-illegal drugs buy-bust operation, anti-illegal gambling operations, manhunt operations at anti-loose firearms operations.

Sa anti-illegal drugs, 40 buy-bust operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakadakip sa 58 indibidwal, at nakumpiska ang 22.32 gramo ng hinihinalang shabu, at 34.39 gramo ng marijuana na tinatayang umabot sa P166,690 ang halaga.

Sa anti-illegal gambling, nakapagtala ng 43 operations kung saan arestado ang 26 indibidwal at umabot naman sa P32,128 ang nakumpiskang pera.

Sa manhunt operation ay nakapag-aresto ng 39 wanted persons kabilang ang no.12 most wanted person sa regional level na si Randolph Villanueva Bitong dahil sa kasong qualified statutory rape (3 counts), qualified rape through sexual assault (3 counts), acts of lasciviousness, at sa kampanya naman laban sa loose firearms ay kumpiskado ang dalawang loose firearms sa isinagawang dalawang operasyon.

Ayon sa pahayag ni P/Col. Silvio, “Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng ilegal na gawain dito sa lalawigan ng Laguna upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamamayan ng Laguna. (CYRILL QUILO)

17

Related posts

Leave a Comment