Sangkot sa illegal gambling 17 CHINESE, ISINALANG SA DEPORTASYON

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang deportasyon sa 17 Chinese nationals noong Nobyembre 16 ng hapon.

Ang grupo ay pinasakay sa isang Philippine Airlines flight patungong Wuhan, China, ito ang pangatlong batch ng illegal online gambling-related deportations.

Matatandaang noong Oktubre, ang BI ay nagpa-deport ng 6 Chinese nationals, habang 21 iba pa ang ipina-deport noong Nobyembre 2.

Ang 17 dayuhan ay bahagi ng mahigit sa 300 foreign nationals, karamihan sa kanila ay Chinese citizens, na ipina-deport ng BI matapos na maaresto ang mga ito ng local law enforcement agencies dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gambling.

Ayon kay Tansingco, si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ay mahigpit na susubaybayan ang implementasyon ng deportasyon.  (JOEL O. AMONGO)

19

Related posts

Leave a Comment