MAS lalong maghihigpit sa seguridad ang buong pwersa ng Manila Police District sa buong lungsod sa nalalapit na “Semana Santa” o paggunita sa pagpapakahirap at pagkamatay sa krus ni Jesus.
Iniuos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa kanyang mga tauhan mula sa Station 1 hanggang Station 14, na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng seguridad 24/7.
Nabatid mula kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), pangungunahan ng heneral ang pagpapaigting sa Bike Patrol sa darating na Lunes Santo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay sa Abril 9 upang magronda sa mga lansangan para mapigilan ang anomang balak ng mga masasamang loob.
Bukod pa sa Bike Patrol, may mag-iikot din na mga tauhan ng pulisya sa bawat presinto.
Hindi lamang umano sa Holy Week ipatutupad ang paghihigpit ng seguridad.
Samantala, sinabi ni General Dizon, ang bawat mananampalataya ay kinakailangang bantayan lalo na sa Huwebes Santo ang pagbisita sa bawat simbahan na tradisyon ng mga katoliko o ang tinatawag na “Bisita Iglesia”. (RENE CRISOSTOMO)
199