MAGSASAKA NAPATAY NG KAPATID SA INUMAN

patay

PATAY ang 48-anyos na magsasaka makaraang umano’y tagain ng kanyang kapatid sa inuman sa Sitio Balangiba, Brgy. Basiawan, bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental noong Martes ng gabi.

Kinilala ang namatay na biktimang si Christopher Sumaday alyas “Ogoy” ng nabanggit na lugar.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lino Sumaday, 26, na umamin sa krimen. Ayon sa suspek, nakonsensiya siya sa nagawa niya sa kapatid.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, nauwi sa alitan ang inuman ng magkapatid.

Matagal na umanong nagtanim ng sama ng loob si Lino sa kanyang kuya mula nang mamatay ang kanilang ama.

Sinampahan ng kasong murder ang suspek na nasa kustodiya na ng PNP.

24

Related posts

Leave a Comment