SERBIAN DRUG SUSPECT TIMBOG SA ANGELES CITY

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Serbian national na wanted ng federal authorities sa US dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng fugitive search unit (FSU) ng BI, ang pugante na si Predrag Mirkovic, 60-anyos, naaresto noong Abril 25 sa isang bar sa Angeles City.

Si Mirkovic Ay inaresto sa bisa ng isang mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng gobyerno ng Estados Unidos na nagpaalam sa BI tungkol sa kaso ng ilegal na droga ng Serbiano sa Amerika.

Ayon sa BI, may warrant of arrest si Mirkovic na inisyu ng isang district court sa Maryland kung saan siya kinasuhan ng ‘conspiracy to possess and distributed substances’ na paglabag sa US penal code.

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, nakatanggap din ang BI ng letter-complaint mula sa isang concerned citizen na umano’y sangkot si Mirkovic sa pangangalakal ng ilegal na droga sa Angeles City at hiniling nito na mai-deport bilang isang undesirable alien.

Ibinunyag din ni Sy na isang warrant of arrest sa Serbiano ang inilabas din ng Regional Trial Court-Family Court sa Calamba, Laguna.

Kinasuhan din ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act, ng kanyang Filipina partner.

Mananatili si Mirkovic sa pasilidad ng BI sa Taguig sa panahon ng kanyang deportation proceedings.

(JOCELYN DOMENDEN)

105

Related posts

Leave a Comment