NALIGO SA ILOG, 13-ANYOS NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang 13-anyos na binatilyo nang maligo sa malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay isang 13-anyos na estudyanteng residente ng Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang yayain ang biktima ng mga kaibigan nito na maligo sa ilog sa Brgy. Bunga, Tanza, Cavite.

Pagdating sa lugar, agad umanong tumalon ang biktima ngunit napadako sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa hindi na ito lumutang.

Nagtulong-tulong ang mga kaibigan nito na hanapin ang biktima subalit makalipas ang ilang oras ay natagpuang wala nang buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

84

Related posts

Leave a Comment