SHIPPING COMPANY EMPLOYEE KINUYOG, PATAY

NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sanhi ng mga saksak ang isang 34-anyos na empleyado ng 2Go Shipping Company, makaraan umanong pagtulungan ng magkakaanak sa Tondo, Manila noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Analupa, ng Liwayway Street, Tondo.

Samantala, natimbog sa ikinasang manhunt operation ng Manila Police District – Homicide Section, ang isang suspek na kinilalang si Armando Silao Sr., 55-anyos, may asawa, ng Brgy. 116, Tondo.

Habang ang anak nitong si Armando Jr., ay nasa nasabing ospital, makaraang masaksak sa kamay, at si Antonio Silao, 57, kuya ni Armando Sr., na umano’y kasama sa insidente, ay mabilis na umeskapo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng MPD – Homicide Section, bandang alas-7:30 ng umaga noong Sabado nang mangyari ang insidente sa burol ng patay sa Laurel Street sa Brgy.116 sa Tondo.

Ayon kay Det. Raul Rojo, habang nagsusugal ng pusoy ang magkakapitbahay sa burol ng patay ng kanilang kapitbahay, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Analupa at Armando Sr.

Dito na umano nagsimula ang rambol nang pagtulungang gulpihin ng pamilya Silao ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

44

Related posts

Leave a Comment