SUSPEK SA PAGPATAY, BUKING SA TSINELAS

0

CAVITE – Dahil sa naiwang tsinelas sa crime scene, nabisto ang pagpatay ng isang 78-anyos na lalaki sa kapwa magsasaka na natagpuang tadtad ng saksak sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ang biktimang si Jeofrey Gane, 52, binata, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite dahil sa tama ng mga saksak sa katawan

Arestado naman ang suspek habang naghahanda nang tumakas na si Anthony Madrid, may asawa, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang.

Ayon sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police Station, dakong alas-6:50 noong Lunes ng umaga nang matagpuan ni Aimer Rala Gane, 50, ang kapatid na duguan at wala nang buhay sa loob ng kanilang nipa hut sa Brgy. Biga 1, Silang.

Ngunit bago ang insidente, Linggo ng gabi nang mag-inuman ang biktima at ang suspek sa nipa hut.

Sinabihan umano ni Aimer ang kapatid na umuwi nang maaga sa kanilang bahay dahil siya ang magpapakain ng kanilang mga alagang hayop.

Gayunman, nagtaka si Aimer na kung bakit hindi umuwi ang kapatid kaya pinuntahan niya sa bukid kung saan niya natagpuang wala nang buhay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa crime scene, natagpuan sa lugar ang isang pares ng tsinelas na naiwan ng suspek.

Nang puntahan sa bahay ang suspek ay itinanong kung siya ang may-ari ng tsinelas ay inamin naman nito naging dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment