TAIWANESE NA 17-TAONG WANTED NABITAG NG BI

0

QUEZON – Nalambat sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan, 17 taon na ang nakalilipas.

Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente mula sa BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Huang Kuan-I, 53, naaresto noong Lunes ng umaga sa bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon.

Ang mga ahente na humuli sa dayuhan ay armado ng warrant of deportation na inisyu ni Morente matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagiging wanted ni Huang sa Taiwanese authorities.

Si Huang ay may outstanding warrant na inisyu ng Hualien Prosecutor’s Office sa Taiwan noong 2004.

“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” ani BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy.

Idinagdag pa ni Sy na si Huang ay overstaying na sa bansa na dumating noong Abril 2009 at tinakasan ang kanyang sentensiya sa kanyang ginawang krimen sa Taiwan.

“He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” ani Sy.

Ayon pa sa impormasyon na ibinigay sa BI, si Huang ay nasentensiyahan sa kasong pamamaril at seryosong pagkakasugat sa kanyang biktima sa Hualien, Taiwan noong 2004.

Si Huang ay kasalukuyan nakakulong sa BI warden facility sa Taguig City habang nakabinbin ang implementasyon ng kanyang deportasyon.

Siya ay ilalagay sa Immigration blacklist upang hindi na muling makapasok sa Pilipinas. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment