“TOP GOV’T OFFICIALS UMISKOR SA RPMD’S ANNUAL REVIEW”

INILABAS ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng “Boses ng Bayan” Annual Performance Report 2023 na nagbigay ng malalim na pagsusuri sa mga pangunahing lider ng bansa na sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez.

Ang independent at non-commissioned survey ay tumutok sa pangkalahatang persepsyon ng publiko sa indibidwal at kolektibong pagganap ng mga opisyal, kabilang ang kanilang kahusayan sa pamamahala ng bansa, pagpapatupad ng mga patakaran, at pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Sa gabay ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang sarbey ay nagpakita ng iba’t ibang reaksyon ng bawat rehiyon sa pamumuno ni Pangulong Marcos, na nakakuha ng overall score na 80%. Ang kanyang pinakamataas na score ay mula sa Balance Luzon (84.70%), habang ang NCR ay nagbigay ng pinakamababang score na 71.72%. Siya rin ay nakatanggap ng mataas na trust rating na 83%.

Si Bise Presidente Sara Duterte ay nakakuha ng performance score na 78%, na may pinakamataas na suporta mula sa Mindanao (82.86%). Ang iba pang mga rehiyon tulad ng Balance of Luzon at Visayas ay nagbigay rin ng mataas na score, habang ang NCR ay nagpakita ng pinakamababang score na 70.42%. Ang kanyang trust score ay umabot sa 80%.

Bukod pa rito, si Senate President Migz Zubiri nakatanggap ng 78% trust at 75% job approval ratings. Ang kanyang pamumuno ay nag-ambag sa kasiyahan ng mga Pilipino sa Senado, na may 78% satisfaction score at isang mataas na trust rating na 80%.

Nakatanggap naman si House Speaker Martin Romualdez ng satisfaction rating na 77% at trust rating na 79%. Ang House of Representatives, sa ilalim ng kanyang pamamahala ay nakakuha ng 73% satisfaction at 75% trust ratings.

Ang nationwide sarbey, na isinagawa mula Disyembre 27, 2023, hanggang Enero 5, 2024, ay nakilahok ang 10,000 adultong Pilipino mula sa iba’t ibang lungsod at rehiyon. May margin of error ito na +/-1% at 95% confidence level, na naglalarawan ng tumpak na sentimyento ng bansa.

133

Related posts

Leave a Comment