HVI HULI SA P170K SHABU

CAVITE – Tinatayang umabot sa P170,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.

Hawak na ng Dasmariñas Component City Police ang suspek na si alyas “Abedin” ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, itinuturing na high value individual ng pulisya.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team (DET) ng Dasmariñas CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000 at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

33

Related posts

Leave a Comment