TRICYCLE SINALPOK NG KOTSE, LOLA PATAY

QUEZON – Patay ang isang 91-anyos na lola matapos na tumilapon mula sa sinasakyang tricycle na nasalpok ng isang kotse sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Filomena Villamiel, residente ng Brgy. Angeles, Atimonan.

Ayon sa report, dakong alas 8:30 ng umaga, sakay ang biktima sa tricycle na minamaneho ng 63-anyos si Fernando Reyes nang masalpok sila ng kotseng minamaneho ni Stephen Elano, 42, business owner at residente ng Brgy. Tambo, Buhi, Camarines Sur.

Nasa shoulder umano ang tricycle nang bigla itong mag-u-turn patungo sa direksyon ng Atimonan town proper ngunit nasalpok ito ng paparating na kotse.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang matanda palabas ng tricycle at tumama ang ulo sa sementadong kalsada na agad nitong ikinamatay.

Nasa kustodiya na ng Atimonan Police ang driver ng kotse na nakatakdang sampahan ng kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

58

Related posts

Leave a Comment