Uniteam malabo nang maisalba TENSYON KINA BBM AT VP SARA PINUNA

TULUYAN nang nawasak ang UniTeam matapos lumala ang hidwaan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte dahil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay House minority leader France Castro, ramdam ang tensyon sa pagitan ng pro-US na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at pro-China na si Vice President Sara Duterte, dahil hindi lang ang huli ang itinalagang caretaker sa gobyerno kundi isinama sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III.

“Mas lalo na bang lumala ang hidwaan sa pagitan ng maka-US na mga Marcos laban sa mga maka-China na Duterte? Kaya may caretaker committee na ngayon lalo pa at sa Trilateral Summit ng US, Japan at Pilipinas ang punta ni Marcos Jr. na ang isa sa mga agenda ay ang lalong pagpolarisa sa Asia-Pacific region laban sa Tsina,” ani Castro.

Mula nang naging pangulo ng Pilipinas si Marcos ay tanging si Duterte ang itinatalagang caretaker sa gobyerno tuwing umaalis ito sa bansa subalit ngayon ay meron nang caretaker committee.

Kapansin-pansin din na hindi nagpansinan sina Marcos at Duterte matapos ang departure speech ng Pangulo noong Miyerkoles ng hapon na ayon sa mambabatas ay indikasyon ng tuluyang pagkasira ng UniTeam.

Ang UniTeam ay itinatag ng mga Marcos at Duterte noong 2022 presidential election na naging behikulo ng dalawa sa kanilang kandidatura na kapwa nila ipinanalo.

Pero bukod sa wala nang tiwala si Marcos sa mga Duterte ay may posibilidad din aniya na dikta ng Amerika na huwag ipagkatiwala ang gobyerno sa Bise Presidente dahil sa pagiging loyal ng ama nito sa China.

“Has the Marcos leadership lost its trust in VP Duterte and the whole Duterte clan or is it a precautionary move imposed by the US considering VP Duterte and her father’s loyalties especially since she cannot even defend Filipinos being bullied by China in our own waters and her father’s supposed ‘gentleman’s agreement with China?” tanong pa ni Castro.

Sa huling interview kay Duterte, ‘no comment’ ang tanging sagot nito nang tanungin hinggil sa patuloy na pangha-harass ng China sa mga Pilipino sa WPS partikular na ang mga nagdadala ng supply sa mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

(BERNARD TAGUINOD)

68

Related posts

Leave a Comment