VOTER REGISTRATION WALANG EXTENSION

HINDI na puwedeng palawigin pa ang kasalukuyang voter registration paglampas sa deadline nito sa Enero 31, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi na tinalakay sa deliberasyon ng poll body en banc ang pagpapalawig sa registration.

Kaya payo nito, sa halip makinig sa mga sabi-sabi ay magparehistro na at huwag nang hintayin kung palalawigin o hindi upang masuportahan ang kasalukuyang opisyal na nanunungkulan sa kanilang komunidad.

Target ng Comelec ang nasa 1.5 hanggang 2 milyong bagong botante sa pagtatapos ng registration period.

Nauna nang naglunsad ang poll body ng programa upang hikayatin ang mas maraming aplikante na magparehistro tulad ng satellite registration, Register Anywhere Project (RAP) sa mga mall sa Metro Manila at ilang lugar sa Bicol, Visayas, at ang quad-media presence (social media, telebisyon, radyo at print).

Bukod sa mga sangay ng SM at Robinsons malls, nakatakda ring magpasimula ang Komisyon ng pagpapatala sa Senado ng Pilipinas at Government Service Insurance System (GSIS).
Sinisikap din nitong makakuha ng hindi bababa sa dalawang unibersidad para sa nasabing proyekto. (RENE CRISOSTOMO)

23

Related posts

Leave a Comment