VP SARA NAGTALAGA NG OVP SATELLITE OFFICES

BINUKSAN ni Vice President Sara Duterte ang satellite offices sa ilang rehiyon sa bansa kung saan maaaring makapagbigay ng agarang serbisyo ang Office of the Vice President (OVP).

Sa isang Facebook post nitong Sabado, sinabi ni Duterte na binuksan nila ang anim na satellite field offices sa anim na rehiyon sa bansa sa unang araw pa lamang niya bilang Bise-Presidente ng Pilipinas.

Aniya, ang satellite offices ay matatagpuan sa Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag in Surigao del Sur (Region XIII).

Bukod dito, nagkaroon na ng “in-person meeting” sa pagitan nina VP Sara at dating DepEd Secretary Leonor Briones.

Ayon sa pahayag ng DepEd, nagkaroon ng one-on-one na pulong sina Briones at Duterte-Carpio na sinundan ng Transition Team meeting.

Nagbigay si Briones ng pangkalahatang ideya ng gawain ng kagawaran sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Kabilang dito ang buod ng saklaw ng responsibilidad ng DepEd, ang kontribusyon ng kasalukuyang administrasyon sa mga reporma sa basic education at ang pagtukoy sa mga bagay na nangangailangan ng agarang atensiyon sa patakaran.

Sa kanyang tugon, kinilala ni VP Sara ang kontribusyon ng kasalukuyang DepEd team sa mga programa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nagkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig sa mga usapin sa patakaran na nangangailangan ng agarang atensyon.

Para sa turnover, nagkasundo sina VP Sara at Briones na magdaos ng Joint Farewell and Welcome Ceremony ngayong Lunes, Hulyo 4. (CHRISTIAN DALE)

101

Related posts

Leave a Comment