WANTED SA HOMICIDE SA LAS PIÑAS NATUNTON SA PAROLA

MAKARAAN ang halos dalawang taong pagtatago, isang 51-anyos na most wanted person sa kasong homicide sa Las Piñas City, ang natunton sa Parola Compound sa Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Joselito De Vera, may asawa, jobless at residente ng Barangay CCA, Las Piñas City.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-5:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Block 14, Area B, Parola Compound, Tondo.

Makaraang madiskubre ang lugar na pinagtataguan ng suspek, inaresto ito ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega, hepe ng Station Warrant and Subpoena Section, kasama si Police Lieutenant Jay Joseph De Guzman ng Station Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Harold Cesar Huliganga, ng Regional Trial Court Branch 254 ng Las Piñas City, dahil sa kasong paglabag sa Revised Penal Code (RPC) Article 249 (homicide). (RENE CRISOSTOMO)

176

Related posts

Leave a Comment