BANDIDO PINATAHIMIK NG MILITAR

MAGUINDANAO – Patay ang dalawang miyembro ng grupo ng mga bandido nang makasagupa ang mga tropa ng Western Mindanao Command sa Maguindanao kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Maj Arvin Encinas, taga pagsalita ng AFP- Westmincom, nanlaban nang husto sa mga tauhan ni Lt.Gen Cirilito Sobejana  ang grupo ni alias Grasscutter sa  Barangay Lipao, Datu Paglas bandnag alas  6:50.

Nabawi mula sa mga napaslang na bandido ang isang M14 rifle, isang  M16 Armalite rifle, bandoliers at  magazines.

Nabatid at natuntong ng pinagsanib na puwersa ng 40th Infantry Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at  Buluan Municipal Police Station ang pinaglulunggaan ng mga lawless group.

Ayon kay Lt. Gen. Sobejana, seryoso ang military sa  pagsuporta sa lahat ng law enforcement operations kahit pa police ang lead operating team.

“We launch intensive operations against private armed groups, undocumented firearms, and illegal drugs to deter criminality and to secure peace and development in the area of operation,” dagdag pa ni Sobejana .JESSE KABEL

 

155

Related posts

Leave a Comment