BATAAN FISHERMEN NAGSUKO NG P1.5-B HALAGA NG SHABU

HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 222.655 kilo ng umano’y shabu na nadiskubre ng sampung mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa kanlurang bahagi ng Masinloc sa Bataan.

Nabatid na nakuha ng mga mangingisda ang sampung sako ng shabu na unang iniulat na siyam na sako, bandang alas-5:30 ng hapon noong Huwebes, Mayo 29, 2025, at agad nilang ibigay-alam sa Philippine Coast Guard, pagdaong nila sa aplaya bandang alas-4:05 ng hapon noong Lunes, Hunyo 2, matapos ang kanilang pangingisda.

Tinatayang may street value na aabot sa P1.5 bilyon ang halaga ng nakuhang shabu na nakabalot sa vacuum-sealed transparent plastic packs.

“The joint law enforcement team also confirmed a total of ten sacks, instead of nine as earlier reported, containing suspected narcotics,” ayon sa ibinahaging report ng Philippine Coast Guard.

“We identified four sacks containing 100 vacuum-sealed packs labeled ‘Freeso Dried Durien,’ five sacks with 116 vacuum-sealed packs labeled ‘Daguanyin,’ and one sack with seven transparent packs—each pack containing suspected shabu,” ayon sa PCG Station Bataan.

Matapos na masuri at mabatid ang estimated market value ng mga kinatawan ng Dangerous Drugs Board (DDB), minarkahan ng Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ebidensiya bago dinala sa PDEA National Headquarters sa Quezon City para sa validation at confirmatory laboratory testing.

Pinapurihan naman ng PDEA Regional Office 3, ang mga magsasaka sa kanilang naging pasya na agad ibigay sa mga awtoridad ang nakuhang droga.

Inaalam ngayon ng PDEA kung saan nagmula ang bulto-bultong droga na nakuha sa karagatang saklaw ng West Philippine Sea na pinag-aagawang teritoryo ang Pilipinas at China.

“The PDEA will continuously monitor all suspicious activities and remain steadfast in its commitment to eradicating drug smuggling in Central Luzon,” ayon pa sa PDEA.

(JESSE KABEL RUIZ)

42

Related posts

Leave a Comment