BBM DINUDUMOG NG MGA DIGNITARYO

(FERNAN ANGELES)

HINDI pa man pormal na nakakaupo bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas, hindi na halos maawat ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang bugso ng mga panauhing nagpaabot ng suporta sa kanyang administrasyon pagsapit ng Hunyo 30.

Kabilang sa mga pinakabagong nagtungo sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City kahapon para sa “Courtesy Call” kay Marcos Jr. ang mga ambassador mula sa bansang Singapore, United Kingdom, France at European Union

Dakong alas 9:00 ng umaga kahapon nang harapin ni Marcos Jr. si Gerard Ho na tumatayong Singapore Ambassador to the Philippines, na nasundan pa ni Ambassador Laure Beaufils mula naman sa United Kingdom.

Bandang alas 11:00 ng umaga naman nang bisitahin ni European Union Ambassador Luc Vèron ang susunod na Pangulo ng Pilipinas. Katangahaliang tapat naman nang nag “Courtesy Call” si Ambassador Michele Boccoz ng France.

Sa isang pahayag, tinalakay ni Marcos Jr. at ng apat na panauhing dignitaryo ang pagpapaunlad ng kalakalan, pagpapatibay ng diplomasya at pagsusulong ng kolektibong pagkilos sa hangaring ibangon ang kabuhayan ng bansang inilugmok ng pandemya.

“As you know, Singapore and Philippines are friends and close partners. (Our) countries are both founding members of ASEAN and successive generations of Singaporean and Philippine leaders have worked together for the peace and prosperity of the region,” ani Ambassador Ho sa bukod na pahayag.

“In fact, during our conversation earlier with the president-elect, we talked about all the conversations our founding father Mr. Lee and his father Mr. Ferdinand Marcos had talked about when we were discussing developments in the region and working together on it,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Ho ang susunod na administrasyon na mas paigtingin pa ang kanilang ugnayan sa gamit ang mga reporma sa polisiya ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya.

“I think with the resumption of cross-border travel, as well as the passage of a lot of significant economic reforms in the PH, we are hopeful that we continue to grow this bilateral economic relationship with the PH and it will continue to flourish,” sambit pa ni Ho.

Kumbinsido rin siyang angkop na lugar para sa mga Singaporean investor ang Pilipinas.

Kinumpirma rin ni Ho ang paanyayang ipinaabot ni Singapore President Halimah Yacob kay Marcos Jr. para sa isang state visit.

Climate change, negosyo, enerhiya, Mindanao peace process, karapatang pantao at press freedom naman ang pinag-usapan nina Marcos Jr. at UK Ambassador Beaufils.

Bago pa man ang pagdalaw ng apat na dignitaryo kay Marcos, una nang nagsadya sa susunod na Pangulo ang United States Chargé d’Affaires at ang mga Ambassador mula sa bansang Japan, South Korea at India.

306

Related posts

Leave a Comment