SAMPU pang gobernador mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nagpahayag ng buong suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa isang pulong nitong Linggo ng gabi sa BBM national headquarters sa Mandaluyong.
Bukod sa kanilang mga concern at mga priority program sa kanilang probinsya, tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang kung paano mapo-protektahan ang boto sa darating na halalan sa Mayo 9.
“Vote protection, yun ang aming napagusapan para makatiyak tayo na maganda ang takbo ng halalan. Mabilang lahat ng boto at hindi magka-problema,” saad ni Marcos.
Pinangunahan ni Quirino Gov. Dakila Cua, presidente ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang mga gobernador na dumalo sa naturang okasyon.
Dumalo rin sina Govs. Imelda Dimaporo, of Lanao del Norte; Francisco Emmanuel Ortega III, of La Union; Nancy Catamco, of Cotabato; Esteban Evan Contreras, of Capiz; Damian Mercado, of Southern Leyte; Ferdinand Tubban of Kalinga; Joy Bernos of Abra; Jerry Dalipog of Ifugao; at Camiguin gubernatorial bet Rep. Xavier Jesus Romualdo.
“Makikita niyo merong mga gobernador from Luzon, meron ding Visayas at meron ding Mindanao, so maganda rin ang representation sa very small at intimate gathering,” ani Gov. Cua sa panayam pagkatapos ng pulong.
Siniguro rin ng mga chief local executives ang buo at solidong suporta sa BBM-Sara UniTeam.
“Yung suporta is given. Syempre nararamdaman ko naman sa mga probinsya na dumalo ngayong gabi ay malaki ang tsansa na maipapanalo siya (Marcos),” ani Cua.
“Yung ating mga kasamahan na dumalo tonight voluntarily supporting our friend and our presidentiable, Senator BBM. Aside from that, it’s an open dialogue para makuha naman ang concern at mga pangangailangan at mga prayoridad ng ibat -ibang gobernador all over the country,” dagdag ng gobernador.
Ipinaliwanag naman ni Cua na pinili nila ang UniTeam dahil sa malinaw nitong plataporma at ang panawagan nitong pagkakaisa na kailangang-kailangan natin lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Napakaliwanag ng direksyon at plano ng ating senador na dating gobernador din. His experience in the local government really coincides with a lot of experience of other local governments,” sinabi ni Cua.
Naniniwala rin ang mga local chief executives na pinuno ng bansa si Marcos dahil na rin sa malawak nitong karansan sa local government.
Cua also believed that Marcos would be an effective leader because of his experience in the local government.
“Ako kasi naniniwala upang maging effective ang serbisyo ng buong gobyerno hindi pwedeng top management lang magaling dapat pati ang mid-management ay very strong. At dito makikita na ang magandang relasyon ng national government at local government kaya maganda na ang ating kandidato ay dati ring naging gobernador ng Ilocos Norte at alam niya ang concern natin,” giit ni Cua
Pinasalamatan naman ni Marcos ang pag-endorso ng mga gobernador na sumama sa patuloy na lumalawak at lumalaking suporta sa BBM-Sara UniTeam.
“Maraming salamat po sa suporta. Pagtulungan natin na mapaunlad ang ating bansa at mga mamamayan,” Marcos highlighted.
158