AFP JOINT TASK FORCE NCR, NAGHAHANDA NA SA SONA NI PBBM

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa na sila ng paghahanda para matiyak ang seguridad at peace and order para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ang AFP ng task force na nangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng pangulo.

Katunayan ay kasama ang AFP sa inilalatag na security preparation mula sa planning hanggang sa execution nito, na pangungunahan ng Philippine National Police, bilang lead agency, at Presidential Security Group.

“Of course this is a regular na ano no, na activity that we conduct annually. The Armed Forces of the Philippines is always part of the task force in charge of all of these,” ani Padilla.

Tiniyak ni Col. Padilla, maglalaan sila ng sapat na puwersa kung kakailanganin ng PNP na magkaroon ng augmentation force.

Sinabi pa ng tagapagsalita na kada taon naman ay kabilang ang AFP Joint Task Force National Capital Region (NCR) na nagbibigay seguridad sa SONA ng pangulo.

Sa panig ng PNP-NCRPO, nasa 22,000 pulis ang kanilang ipakakalat, habang tiniyak naman ng AFP na may sapat silang puwersa na nakatalaga bukod pa sa standby forces na inilaan ng tatlong major services ng AFP at ng headquarters.

Karamihan dito ay idedeploy sa Batasang Pambansa Complex, places of convergence ng mga magkikilos-protesta, at ilang key areas lalo na ang boundaries papasok ng Metro Manila.

Ani Padilla: “We don’t usually give the actual numbers for that but kung kailangan nila ng more troops then we station other armed forces personnel from distant ano, from near ano, camps ano.” (JESSE KABEL RUIZ)

37

Related posts

Leave a Comment