Apela ni Duterte sa publiko BUONG SUPORTA IBIGAY KAY PBBM

(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

NANAWAGAN si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino na suportahan ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Let us give all our support to the new administration…tulungan natin sila,” ayon kay Duterte sa isang video na kuha ni dating Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Nagtapos nitong Huwebes, Hunyo 30 ang termino ni Duterte. Pinuri naman nito ang kanyang gabinete bilang “one of the best.”

“I am a student of government. I have been in the government for so long. I assembled one of the best Cabinet ever,” ani Duterte.

“Totoong-totoo ‘yan. Piling-pili ko,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, namataan si Duterte na nag-shopping at nagtanghalian sa Makati City matapos umalis ng Malakanyang sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

Kasama ni Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG.)

“There is a new government. The transition has been completed and we only have one country and so we only have one president. He is now the head of the government. We should give Marcos our full support,” ayon sa dating pangulo.

Nakabalik na sa kanyang hometown sa Davao City si Duterte.

Sinabi nito na matagal na niyang hinihintay ang araw na ito dahil siya ay pagod na at kailangan nang magpahinga.

Samantala, pinasalamatan ni Duterte ang sambayanang Pilipino sa suporta ng mga ito sa loob ng anim na taon ng kanyang termino.

Pagbati ni Pres. Xi

Sa kabilang dako, nagpaabot ng pagbati si Chinese president Xi Jinping sa kanyang bagong Philippine counterpart na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang presidential inauguration ng huli.

Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, nagpadala si Xi kay Marcos ng isang congratulatory letter, kung saan inalala nito ang “important consensus” na kanilang nakamit “on upholding good-neighborly friendship” ng kanilang mga bansa “and joining hands for common development.”

“Xi said he is ready to work with Marcos to chart the course for the development of bilateral ties from a strategic and long-term perspective, and continue to write a great chapter of the China-Philippines friendship and cooperation for the new era, so as to benefit the two countries and their people,” ang pahayag ng embahada sa isang kalatas.

Matapos manalo sa presidential elections noong Mayo, nagkaroon ng phone conversation si Pangulong Marcos kay Xi, kung saan itinuring ng huli ang una bilang “a builder, supporter, and promoter of” ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Samantala, si Chinese Vice President Wang Qishan ang special representative ni Xi sa inagurasyon ni Pangulong Marcos.

135

Related posts

Leave a Comment