BBM-SARA UNITEAM: SAMA-SAMA NATING ILIGTAS ANG KALIKASAN

0

“KAPAG dumating ang sakuna, ang mahihirap, ang mga taong walang kinalaman sa pagkawasak ng kalikasan, ang siya pa mismong lubhang napipinsala.”

Sa isang press statement, itinutulak ng “BBM-Sara Uniteam,” katawagan sa tambalan nina Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte, ang pagliligtas at pagkakamit ng mas malusog na kalikasan, dahil anila ang pagpoprotekta sa kalikasan ay nangangahulugan din ng pangangalaga sa pinakamahihinang mga miyembro ng lipunan  mula sa pananalasa ng mga kalamidad.

Ayon sa kanila, ang walang habas na pagsira sa mga likas na yaman ay nagiging sanhi ng mga mababagsik na sakuna sa bansa, tulad ng pagguho ng lupa, habang ang pagbaha ay dulot ng malalakas na bagyo galing sa karagatang Pasipiko na nananalasa sa malawak na bahagi ng Pilipinas.

“Ang Pilipinas ay nakakaranas na ngayon ng matinding pagkasira ng kapaligiran, pangunahin dito ay ang deforestation, pagguho ng lupa, pagkagambala ng hydrological system, labis na ‘over-exploitation’ ng mga pangisdaan, pagkasira ng mga coral reef, at pagkalipol ng mga species,” sabi ng BBM-Sara Uniteam.

“Ang mga isyung ito ay marahil dahilan ng matinding pressure na dulot ng mabilis na paglaki ng populasyon, na pinalalala ng pagbabago ng klima na dulot ng pandaigdigang ‘greenhouse effect.’ Higit pa rito, ang pagkasira ng kapaligiran ay may negatibong epekto sa ekonomiya, na nagiging hadlang para sa kaunlaran ng Pilipinas,” dagdag pa ng BBM-Sara Uniteam.

Sa inilabas na datos ng Environmental Sustainability Index (ESI) noong 2005, ang Pilipinas ay ika-125 sa 146 na bansa base sa kakayahan na pangalagaan ang kalikasan. Noong 1900s, ang kagubatan ng bansa ay umabot sa 70% ng kabuuang lawak ng lupain at mayroong hindi bababa sa 200 hanggang 360 na uri ng puno. Sa ngayon nasa 20.5 porsyento na lamang ang kagubatan.

Ipinakita rin ng pag-aaral na ito na para manumbalik ang tamang ayos ng kagubatan sa parehong antas noong 1900s ay mangangailangan ng 177 taong programa depende pa sa kahusayan ng reforestation program.

“Nature has its own rights that should be protected. It should be allowed to flourish, reproduce and attain its abundance side by side with human civilization in perfect balance and harmony with our growing communities,” diin nila.

“The BBM-Sara Uniteam envisions a national government that shall uphold environmental protection and promote sustainable development; to ensure that the environment is protected and the country’s natural resources are utilized in a sustainable manner. The national government shall also undertake reforestation on a massive scale, enhance forest conservation and manage remaining forests according to strict standards,” pahayag nila.

Sinabi ng tambalang BBM-Sara na nakatuon din sila sa pagsusulong ng responsableng pagmimina sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pangunahing probisyon ng Republic Act No. 7942, o kilala bilang Mining Act of 1995, na kumokontrol sa mga operasyon ng industriya ng pagmimina sa bansa.

Inalala din ng dalawa ang hagupit na dulot ng bagyong Yolanda/Haiyan sa bansa noong Nobyembre 8, 2013 na may lakas na hangin na 235 km/h at pagbugsong 275 kph, na kumitil ng buhay ng mahigit 6,000 katao, humigit 4.1 milyon din ang nawalan ng tirahan at umabot sa 14.1 milyon ang naapektuhan.

“This highlighted the acute environmental risks caused by natural calamities such as typhoons that cause immediate harm to human lives, health, and the environment,” pahayag ng magka-tambal. “The country’s environmental problems are on their critical levels and very serious.”

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment