BONGBONG TINIYAK NA MANANATILING KONTRA DROGA

SA gitna ng kumakalat na blind item hinggil sa kandidato na gumagamit umano ng cocaine, naglabas ng opisyal na pahayag si Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” bahagi ng statement ngayong umaga ng dating senador.

Sinabi rin ni Bongbong na sumailalim na siya sa cocaine test kahapon kung saan negatibo ang naging resulta.

Agad aniya itong ipinadala ngayong umaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI).

Iginiit din ni Marcos sa publiko at sa BBM-Sara Uniteam supporters na mananatili silang mapagmatyag at patuloy na isusulong ang laban kontra iligal na droga.

Hinimok din niya ang mga kapwa kandidato na sumailalim sa drug test upang matiyak na walang mahahalal na opisyal na gumagamit ng droga.

169

Related posts

Leave a Comment